Tags

, , , , ,

Ang tahanan minsan hindi lugar,
hindi himpilan ng pagbabata
kundi sagwan ng laya,
isang yugto ng gunita
na ang tinig ay
lagaslas ng pag-ibig at
huni ng pagkahapo,
isang anino ng tula
na ang mga berso ay
niliwat na larawan
ng pag-aarugang sapat
para ipantawid sa gabi.
Sapat para ipang-akit
sa liwayway, na uuwi
nang walang pakiusap
at muling aangkinin
bukas ang kalawakan.
.

VanillaPods_VitalinaRybakova
.
“Vanilla Pods.”
.
by photographer Vitalina Rybakova

.

You might also like:
ReflectGlass_thumbGolden_thumbTayutay_thumbSkilletSuns_thumb

Advertisements