Tags

, , ,

Pag-asa ni Lola
na sa edad dalawampu’t lima
ako’y makapag-asawa na.
Siyempre dapat daw, kapatid
para mapanatili ang karapatan
at para hindi hadlangan
ng aking mga magulang.
(Marami na kasing handog
na nakikipamatok
sa mga tintawag nilang
taga-sanlibutan.)
Kaya kagabi
sa aking kaarawan
nagluto si Lola
ng marangyang handaan
at nag-anyaya
ng tatlong makikisig
at matipunong kalalakihan
na may posisyon sa Iglesia
at ako’y ipinakilala
na parang isang prinsesa
na dapat pag-agawan nila.
(Hihihi.)

Sila’y pino
at matatalino
at aaminin kong nakakakilig
na kausapin
at asikasuhin nila ako.

Pero Lola,
hindi po ako angkop
na maging simpleng maybahay—
hindi po ito sa akin bagay;
masisira po ang diskarte ko sa buhay.
(Hehe.)

At higit po sa lahat,
baka po sila magulat
kapag bigla silang mamulat
Ako po’y hindi kapuri-puring kapatid
tulad ng inyong iniisip
na may karapatang magayak
tulad ng anak na babae ng Sion
sa araw ng kasal.
Marami po akong kalokohan.
Bagaman mamamayan pa rin
nitong ng ating Bayan,
hindi po ako taga-looban
namumuhay po ako
sa bandang labasan:
pader lang ang pagitan
mula sa labas ng kabanalan.
(Haha.)
.

fernandoweberich
.
“Beautiful Bride with Bouquet”
.
by photographer Fernando Weberich
Advertisements