Tags

, , , , ,

Hindi na uubra sa akin
ang sabihing,
“Isipin mo na lang na hindi ito para sa iyo.”
Dahil sa dinami-dami nila
na kung daan-daanan lang
ang lahat ng bagay na inaasam-asam ko
habang inaalok ito sa kanila
(at tinatanggi sa akin),
kaya mo rin bang sabihin
na ang lahat ng ito ay para sa kanila
kung hindi para sa akin?

Bigyan mo ako ng mas magandang dahilan,
kausapin mo ako nang mas maayos
isipan mo ako ng ibang pag-iisipan
dahil hindi gagana sa akin
ang mga luma’t gasgas na kasabihan
kung buhay ko’t kinabukasan
ang pinag-uusapan.
.

bench in foggy autumn park
.
“Bench in Foggy Autumn Park” by photographer Sergiy Trofimov
Advertisements